“Cheers to Forever

Kinasal na ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde nitong Biyernes, Hulyo 28.

Nagpalitan umano ng “I do’s” sina Maine at Arjo sa pamamagitan ng isang intimate wedding sa Baguio City.

Sa isa namang Facebook post, nagbahagi si Arjo ng ilang mga larawan nila ni Maine kasama ang isang tula na alay niya sa kaniyang bride.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“Cheers to the promises we make,

A vow unyielding, never to break,

Through highs and lows, we'll persevere,

For in each other's arms, we find solace near,” bahagi ng tula ni Arjo. 

“So raise your glass, let the champagne flow,

To a love that blossoms and continues to grow,

Cheers to forever, a journey we embrace,

With you by my side, my love, my eternal grace. 🥂”

Matatandaang taong 2018 nang umugong ang usapang may relasyon sina Maine at Arjo, habang taong 2019 naman nang kumpirmahin nila ito. 

Matapos ang tatlong taon, Hulyo 28, 2022, tuluyan nang nag-propose si Arjo kay Maine para pakasalan ito.

MAKI-BALITA: Arjo Atayde, Maine Mendoza, engaged na!