Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipatutupad ng pamahalaan ang cash-for-work program nito sa mga naapektuhan ng bagyong Egay sa Ilocos Norte.

Ito ang tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa pagbisita nito sa lalawigan nitong Biyernes.

Paglilinaw ng ahensya, ang programa ay magsisilbing alternatibong pagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyo.

Tatagal ng 45 araw ang implementasyon ng programa sa probinsya.

Ito aniya ay bahagi ng agarang pagbangon ng mga ito pagkatapos ng kalamidad.