Isa sa mga napuri nina Ogie Diaz at co-host niyang si Mama Loi ang mag-asawang Kapuso Primetime Queen at King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na pareho nilang nakadaupang-palad sa ginanap na "GMA Gala 2023" noong Sabado, Hulyo 22.

Napatunayan daw ni Ogie kung bakit maraming celebrities ang bet na bet si Marian dahil "what you see is what you get" daw ito.

Mega explain naman daw tuloy si Ogie nang uriratin siya ni Marian tungkol sa blind item nilang na-ispluk sa kanilang vlog.

Tungkol kasi ito sa isang kasal at pamilyadong sikat na TV host-actor na umano'y may ka-FuBu kapag "kinakati."

Ogie Diaz, may pa-‘blind item;’ sikat na actor-TV host, may sabit daw?

Ang iniwan pang clue ng hosts ay may nabubuo raw na tunog sa pangalan nito.

Sey ni Marian, marami raw mga kaibigan niya ang nag-tag sa kaniya at nagsabing panoorin niya ang vlog ni Ogie dahil sa naturang blind item.

"Promise mamatay man ako, hindi 'yan si Dingdong," sabi raw ni Ogie kay Marian.

Kung si Dingdong daw ang tinutukoy niya, baka umiwas na lang siya kay Marian dahil hindi raw niya kayang magsinungaling kapag nacorner na siya nito.

Nilinaw ni Ogie kay Marian na hindi ang mister nitong si Dingdong Dantes ang tinutukoy niya.

Hindi na pinalawig pa ng showbiz columnist kung Kapuso, Kapatid, o Kapamilya ba ang tinutukoy niya.

&t=349s