Mula sa super typhoon, bahagyang humina ngunit malakas pa ring “typhoon” ang Bagyong Egay na nasa katubigan na ng Calayan, Cagayan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng gabi, Hulyo 25.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Typhoon Egay sa katubigan ng Calayan, Cagayan, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-west northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.

Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal ang mga sumusunod na lugar:

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

Signal No. 4

  • Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) kabilang na ang Babuyan Islands
  • Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams)

Signal No. 3

  • Batanes
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan
  • Apayao
  • Hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan)
  • Hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas)
  • Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Signal No. 2

  • Isabela
  • Mga natitirang bahagi ng Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok)
  • Mga natitirang bahagi ng Abra
  • Ilocos Sur
  • Hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol)

Signal No. 1

  • Aurora
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Mga natitirang bahagi ng Benguet
  • Mga natitirang bahagi ng La Union
  • Pangasinan
  • Nueva Ecija
  • Pangasinan
  • Tarlac
  • Zambales
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Zambales
  • Bataan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Cavite
  • Laguna
  • Hilagang bahagi ng Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City)
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kabilang na ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi)
  • Hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran) 

Ayon pa sa PAGASA, posibleng mag-landfall na ang bagyo sa isa sa mga isla sa Babuyan Islands sa mga susunod na oras.

Inaasahan din umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes ng umaga, Hulyo 27.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, patuloy pa ring makararanas na ilang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw dahil sa Southwest Monsoon o habagat na pinalakas ng bagyong Egay.