Tila nagmistulang personal assistant ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang mister niyang si Mikee Morada, matapos maging taga-bitbit ng kaniyang mga gamit kapag pumi-pictorial sa kanilang naging bakasyon sa Copenhagen, Denmark.

Sa Instagram post ni Alex nitong Linggo, Hulyo 23, bukod sa kaniyang mga larawang tila “stress-free,” kabaliktaran naman umano ito sa mister niyang si Mikee.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

View this post on Instagram

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Makikita sa ibinahaging larawan ni Mikee, na mukhang pasan-pasan niya na umano ang mundo dahil sa kung ano-ano nang nakasabit sa kaniyang mga braso at bukod pa ang hawak ng kamay nito.

“Sa bawat arte at pacute ng isang babae… May isang asawang nasa likod ng camera na may hawak ng lahat. Swipe left to see 😂,” mababasang caption sa kaniyang naturang post.

Samu’t saring komento naman ng netizens ang mababasa sa comment section:

“My wife is on vacation, and I am her employee.”

“Pag mahal ka talaga ng lalaki gagawin lahat. Si AG din nman daming effort kay Mikee well, it's a tie. Sexy mo, Mrs morada!”

“Da bess ka Konsiii!”

“Kawawa naman si Mike.”

“Sa true ‘to!”

“Buti na lang walang IG hubby ko, relate much eh.”

“Ang pretty and sexy naman, with a supportive husband.”

Napanonood naman sa kaniyang YouTube channel na “Alex Gonzaga Official” ang kabuuan ng kanilang bakasyon na may titulong “My Europe Shopping.”