Back-to-back “Player of the Game” ang nakamit ng phenomenal at Creamline “Cool Smashers” player na si Alyssa Valdez, matapos ang naging laban kontra Cignal “HD Spikers” noong Sabado, Hulyo 22, 2023.

Sa Facebook post ng Premier Volleyball League noong Hulyo 20, matatandaang si Alyssa rin ang itinanghal na player of the game na nakakuha ng kabuuang 17 points mula sa kaniyang 16 attacks at 1 block sa laban ng Creamline kontra F2 Logistics.

Sa update naman noong Sabado, Hulyo 22, ang kabuuang 22 points namang nakuha ni Alyssa na mula sa kaniyang 18 attacks, 2 blocks at 2 aces na siyang naghirang sa kaniya bilang player of the game.

Sa kabilang banda, tinapos ng Creamline ang naging laban kontra Cignal sa 5 sets na may score sets tally na, 23-25, 25-16, 25-21, 24-26, 15-10.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming Pinoy women’s volleyball fans naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Alyssa sa naturang Facebook post.

“ Congratulations! CCS! More power to our POG, none other than the Phenom!!!”

“Congratulations! Phenom and the rest of the Team!”

“Walang kupas!”

“Our Phenom made it again.”

“Captain Phenom again.”

“The best phenom, the clutch Queen ever!”

“Congratulations! Phenom Alyssa Valdez Player of the Game ulit.”

“Team Captain still PLAYER OF THE GAME!”

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, nananatiling nasa no.1 spot pa rin ang kaniyang koponang Creamline “Cool Smashers” sa elimination round ng semifinals.