Tila nabigo ang maraming fans ng "BarJak" at "BarDa" kung sino ba kina Jak Roberto at David Licauco ang magiging escort ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagrampa sa red carpet ng GMA Gala 2023, na ginanap nitong Sabado ng gabi, Hulyo 23, 2023 sa Manila Marriott Hotel, Pasay City.

Matatandaang ilang araw bago maganap ang itinuturing na "biggest showbiz event" ngayong 2023, marami na ang nasasabik kung sino kina Jak at David ang magiging partner ni Barbie, lalo na nga sa paglalakad sa red carpet papunta sa loob ng hall.

Pero mukhang nalaglag ang panga ng abangers na fans dahil solong dumating at rumampa sina Jak, Barbie, at David.

Sa kaniyang tweets ay ibinahagi ni Barbie ang mga ulat na solo flight siyang pumunta sa Gala at hindi niya kailangang mag-shine kasama sina Jak o David.

Barbie Forteza sa abangers kung sino makaka-partner sa GMA Gala: 'It's giving main character vibe!'

"What’s a girl gonna do? A diamond’s gotta shine," anang Barbie.

https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1682976898027229184

https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1682968142128234497

Si Jake ay real boyfriend ni Barbie subalit sini-ship pa rin siya kay David, na kaniya namang katambal. Nagsimula ang kasikatan ng kanilang tambalan sa award-winning series na "Maria Clara at Ibarra," at soon ay mapapanood na ang "Maging Sino Ka Man" nila ng aktor.