Idineklarang "persona non grata" ang drag queen na si "Pura Luka Vega" sa General Santos City kaugnay ng kaniyang kontrobersyal na drag art performance bilang si Kristo, at paggamit ng "Ama Namin" remix.
Ayon sa ulat, idineklarang persona non grata ng city council of General Santos City si Vega batay na rin sa inihaing resolusyon hinggil dito.
"While the city council recognized the freedom of speech and expression, and freedom to travel of the performer, the resolution was meant to show the feelings and sentiments of the largely Christian population of the city," mababasa umano sa pahayag ng city council noong Hulyo 18, 2023.
Matatandaang sinabi ni Pura sa isang panayam na walang masama sa kaniyang ginawa, at kung may "nabastos" man siya ay humihingi siya ng tawad.