“Sabi ni Secretary Diokno, okay na okay po iyan para sa ating mga bagong bayani, mga OFW, no need to pay. Libre, so go ahead po. So, mayroong pagbasbas ng DOF nitong pagkalibre ng OFW Pass,” anang opisyal.
Magiging madali na rin aniya ang serbisyo ng pamahalaan para sa pagkuha ng mga dokumento ng mga OFW bago sila umalis ng bansa, sa tulong na rin ng inilunsad na mobile app ng DMW.
“Ang objective natin dito ay i-document ang isang OFW para sa kaniyang paglabas ng ating mahal na bayan ay ma-process siya ng Immigration authorities; at bago pa man noon, makamit niya iyong dokumentong iyon in a lesser amount of time, in a more expeditious and effective and accurate process para he or she could spend more time with his or her family ‘no,” sabi pa ng opisyal.