Walang nanalo sa halos ₱50 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto nitong Biyernes ng gabi.

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Hulyo 21 ng gabi, nabigong maiuwi ng mga mananaya ang ₱49,500,000 na nakalaang premyo para sa winning combination na 57-36-49-31-15-33.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Inaasahang tataas pa ang magiging premyo sa nasabing lotto game sa susunod na draw nito.

Binobola ang nasabing 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.