Tila ikinasal ang Kapuso couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa kanilang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” matapos kunwaring nagbigay ng “wedding vows” sa isa’t isa.

Bukod sa usapan ng kaniya-kaniyang showbiz career, nakumbinsi sila ni Abunda na gawin ang exchange of vows tulad ng ginagawa tuwing kasal.

“Rabiya, Jeric, maraming salamat na kayo ay pumunta dito sa aking opisina at pakikinggan namin ang inyong pangako sa isa’t isa, your vows. Ang nauuna ‘yan babae eh, so Rabiya, ano ang ‘yong vow para kay Jeric?” tanong ni Abunda.

Buong puso naman itong sinagot ni Rabiya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Siguro to Jeric, thank you so much for being understanding kasi alam ko hindi ako perpekto bilang tao, and I’m still learning to be better everyday. So, sana ‘wag mong sukuan ‘yong imperfections ko kasi hindi ko susukuan ‘yong imperfections mo,” aniya.

Buong puso ring nagbigay-pangako si Jeric.

“Pangako ko sa’yo babe na sasamahan kita kahit na anong mangyari, nandito lang ako kahit na maghirap tayo, mawalan man tayo ng pera at trabaho and kahit anong form mo,  tumaba ka, pumangit ka, asahan mo, nandito lang ako palagi para sa’yo, mamahalin kita,” aniya.

Tila may laman ang hirit ng King of Talk sa naging pangako ni Jeric.

“Handa kang mapagod,” hirit ni Abunda.

“Handa akong mapagod para sa'yo,” sagot ni Jeric para kay Rabiya.

“Ngayon, you’re now officially husband and wife, you may kiss the bride,” sey pa ni Abunda.

Samantala, kamakailan ay napa-yes ni Jeric si Rabiya bilang ka-date sa inaabangang “GMA Gala.”

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/07/17/she-said-yes-jeric-napapayag-si-rabiya-maging-ka-date-sa-gma-gala/