Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng kamangha-manghang larawan ng planetang Saturn kasama ang buwan nito na nakuhanan umano sa layong 927,000 kilometro.

Sa isang Instagram post, makikita sa larawang ibinahagi ng NASA ang bahagi ng Saturn, ang singsing nito, at maging ang buwan nitong may pangalan umanong Mimas.

“Our Cassini spacecraft captured this view of Saturn and its moon Mimas from around 576,000 miles (927,000 km) away as it zoomed through Saturn’s system, studying the gas giant’s atmosphere, magnetosphere, moons, and rings,” anang NASA sa naturang post.

“Though the lean in the image is just a result from the perspective of Cassini, Saturn is similarly tilted like Earth. Seasons on the ringed planet last seven Earth years,” dagdag nito.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Kasama ang Cassini, gumawa umano ng kasaysayan ang “lander probe” na Huygens bilang pinakaunang human-made object na dumaong sa outer solar system matapos itong makarating sa pinakamalaking buwan ng Saturn na “Titan” noong 2005.

Ang naturang paglalakbay ng Cassini at Huygens ay nangyari umano sa pakikipagtulungan ng mga ito sa European Space Agency at Italian Space Agency.

“Together, Cassini-Huygens revealed much about the stormy gas giant and its many moons, showing us that Titan may be one of the best places to search for life in our solar system,” saad ng NASA.

Kamakailan lamang ay nagbahagi rin ang NASA ng isang close up look ng surface ng Jupiter na kinuhanan naman umano ng Voyager 2.

MAKI-BALITA: NASA, nagbahagi ng malapitang larawan ng Jupiter