Kasado na darating na Linggo, Hulyo 23, ang in-person mass oathtaking para sa mga bagong chemical engineer ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Hulyo 20.
Sa Facebook post ng PRC, ibinahagi nitong nakatakdang maganap ang face-to-face oathtaking sa Grand Men Seng Hotel, Davao City.
Magsisimula umano ito sa dakong 10:00 ng umaga at inaasahang matatapos dakong 2:00 ng hapon sa Huwebes.
“All successful examinees interested in attending the face-to-face special oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” anang PRC.
“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’.”
Inabisuhin din ng PRC ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang Vaccination Card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.
“It is advised that inductees register and confirm their attendance in the regions where they took their licensure examination and intend to register as professionals,” saad ng PRC.
Para naman sa mga hindi makakadalo sa face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa online oathtaking o humiling ng isang special oathtaking.
Ayon pa sa PRC, pagkatapos ng oathtaking ay kinakailangang magpatuloy ang inductees sa kanilang Initial Registration sa pamamagitan ng pagkuha ng online appointment sa: http://online.prc.gov.ph.