Kilig overload ang netizens nang muling bumisita ang actor-chef na si Marvin Agustin sa morning talk show na “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.

Sa episode ng morning talk show nitong Martes, Hulyo 18, makikitang tila pinagkaisahan si Jolina Magdangal ng kaniyang co-hosts na sina Momshie Melai at Momshie Regine na pinapaupo sa tabi ni Marvin.

Tila hindi nawala ang spark at kilig factor na hatid nilang dalawa nang magsimulang magkulitan sa isa’t isa.

Tinanong naman sila ni Momshie Regine tungkol sa love team na hindi talaga naiiwasang nagkakagustuhan sa huli.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“‘Di sa love team, hindi talaga naiiwasang nagkaka-developan talaga, kasi lagi kayong magkasama, tapos lahat ng attention binibigay lahat sa’yo. Kasi ‘di ba sometimes, it’s confusing for a woman for a girl na ano ba ang ibig sabihin nito, isn't just really for work or alam mo ‘yon,” tanong ni Momshie Regine.

Aminado namang sinabi ni Jolina, na na-confuse daw siya noon sa nararamdaman para kay Marvin.

“Ako feeling ko ate, na-confuse din talaga ako dati. Kasi si Marvin maalaga, papagluto ka niyan, tapos parang biglang hindi ka na lang papansinin ‘di ba… Pero inamin ko naman dati pa, na na-love ko siya dati pa,” ani Jolina.

Umamin at diretsahan ding sinagot si Marvin na na-fall din siya umano kay Jolina.

“Oo naman, syempre. I don’t think ‘yong mga eksena or ‘yong chemistry namin, kung wala talagang pinanggagalingan, hindi rin naman siya malalabas ng katulad ng mga nagawa namin sa movies at sa TV. So, mayroong pinanggagalingan na katotohanan,” ani Marvin.

Sa huli, inihayag naman ni Marvin na masaya siya para kay Jolina, dahil una pa lang ay alam niya nang magiging maganda ang buhay nito kasama ang kaniyang asawa’t mga anak.

“Happily married, may dalawang magagandang anak. So, everytime na nakikita ko ‘yon, umpisa pa lang noong kasal niya, masayang-masaya ako na alam kong magiging maganda ‘yong buhay niya,” huling mensahe ni Marvin.

Matatandaang parehas nilang sa ABS-CBN sinimulan ang kanilang pag-aartista matapos bumida sa teen TV series na “Gimik” noong 1996 at nasundan ng “Labs Ko Si Babe” noong 1999 na siyang sumikat at lalong nagpakilala sa kanilang love team.

Mapanonood naman sa YouTube channel ng “ABS-CBN Entertainment” ang kabuuan ng kanilang iba pang pag-uusap.