Itinanghal na 7th Mister Supranational 2023 si Mister Spain Iván Álvarez nitong Sabado, Hulyo 15, 2023 sa Strzelecki Park Amphitheater, Nowy Sącz, Małopolska, Poland.

Sa ginanap na male pageant, nangibabaw ang angking-kisig ni Iván Álvarez ng bansang Spain kung saan pinataob nito ang kabuuang 33 na iba pang mga ginoong kalahok sa iba’t ibang panig ng mundo.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

View this post on Instagram

A post shared by Mister Supranational (@officialmistersupranational)

Sa kabilang banda, bigo namang makapasok sa Top 10 placement ang panlaban ng Pilipinas na si Johannes Rissler na nagtapos bilang bahagi ng Top 20 finalists.

Narito naman ang kabuuang resulta ng TOP 5 placement:

Mister Spain Iván Álvarez – WINNER

Mister Brazil Henrique Martins – First Runner-up

Mister Netherlands Luca Derin – Second Runner-up

Mister Korea Lee Yong-Woo – Third Runner-up

Mister Cameroon Daniel Mbouda – Fourth Runner-up

Samantala, maituturing na makasaysayan ang pagkapanalong iyon ni Iván Álvarez ng bansang Spain dahil siya ang kauna-unahang Spanish na nakasungkit ng nasabing titulo.