Isa na namang mananaya ang kabilang sa bagong milyonaryo matapos tamaan ang halos ₱43 milyong jackpot sa lotto draw nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Hindi na muna nagbigay ng impormasyon ang PCSO kung taga-saan ang nanalo ng ₱42,900.615.40.

Nahulaan ng nasabing mananaya ang 6-digit winning combination na 31-13-10-37-34-18.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinayuhan ng PCSO ang naturang solo winner na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City upang makubra ang premyo nito.

Gayunman, tatanggalan ng 20 porsyentong buwis ang premyo nito alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.