Hindi napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na ibahagi sa social media kung gaano ka-sweet at kabait ang kaniyang bagong anak-anakang si Kapuso star Alden Richards, na makakasama niya sa pelikulang "A Mother and Son’s Story."

Lately ay nasa banig ng karamdaman si Mega at kailangan niyang magpagaling dahil sa kaniyang iniinda.

Na-touch si Shawie sa mensaheng ipinadala sa kaniya ni Alden para mangumusta.

Sharon may update sa health condition: 'Kaya pala wala akong boses sa E.A.T.'

Mababasa sa screenshot ng kanilang usapan sa social media na sinabi ni Alden na kahit na anong gusto ni Mega ay handa siyang ibigay rito, basta't magsabi lang.

Bago i-post ni Mega ang convo thread nila ni Alden ay humingi muna siya ng permiso mula rito.

"Asked Alden if I could post this. Only because am so touched (and proud) of the way he loves his new Mama!💖💖💖🥰 He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set!" ani Shawie.

"I went to shooting the other day even if I woke up not feeling well, but after one scene with @jackielou.blanco and lunch, umuwi na ako kasi she and Direk Nuel didn’t want me na to push it at halos sign language na kami noon! Been resting and now hoping to see my doc tomorrow."

"I miss shooting and my 'A Mother and Son’s Story' family so much!," ayon pa sa Megastar.

Sa panayam kay Alden sa "Fast Talk with Boy Abunda," ibinahagi ng aktor ang kaniyang naramdamdam sa unang paghaharap nila ng Megastar, para sa unang pagsasama nila sa isang proyekto.

https://balita.net.ph/2023/07/15/alden-richards-nakaramdam-ng-takot-kay-sharon-cuneta/