Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Jane Oineza sa kaniyang interview kay Mama Loi Villarama, na hindi raw siya nakaramdam ng inip hinggil sa first lead role niya sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Nausisa siya kung anong pakiramdam niya sa kaniyang first lead role sa nasabing teleserye.

“Ito ‘yong unang lead role mo in a teleserye ‘di ba. How do you feel about it?” tanong ni Mama Loi.

Direkta naman itong sinagot ni Jane.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ay sobrang happy, super happy talaga. As in ‘yong puso ko talaga… At super akong kinikilig and masasabi kong show namin ito at nakaka-proud din naman talaga,” aniya.

“Iyong hard work is paying-off. ‘Yong mga itinanim na mga seeds eh unti-unti kong nakikitang nagbo-bloom,” dagdag pa niya.

“Hindi ka naman nainip na darating ‘yong araw na ito?” pasundot pang tanong ni Mama Loi.

“Hindi naman, ano lang, pini-prepare ko lang ‘yong sarili ko para ‘pag dumating ‘yong opportunity eh ready rin tayo i-receive ‘yon. Pero hindi naman, tiwala naman ako sa Star Magic, sa ABS-CBN and just patiently waiting for a chance for an opportunity,” huling sey ni Jane tungkol sa nasabing topic.

Mapanonood na ang kaniyang pinagbibidahang teleseryeng “Nag-aapoy Na Damdamin” na kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na ipalalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 sa Hulyo 25, 2023.