PANGASINAN - Kalaboso ang isang pulis at kapatid na lalaki matapos nilang tangayin ang P156,000 ng ina ng kasintahan ng una sa San Carlos City nitong Huwebes ng gabi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang dalawang suspek na sina Corporal Jhomel Dassil Blas, 29, miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Northern Police District (NPD), at Jerick Blas, 27, security guard, pawang taga-Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Pauwi na ang biktimang si Maria Carino, 64, dala-dala ang pinagbentahan nito mula sa kanyang agri-supply business nang sumulpot ang magkapatid.

Binugahan ng kemikal ang biktima bago tangayin ng dalawa ang pera nito.

Sa pahayag ng biktima, nakilala niya ang nasabing pulis dahil kasintahan ito ng kanyang anak.

Sa ikinasang hot pursuit operation ng mga awtoridad, naaresto si Jhomel sa isang waiting shed sa Sitio Dopong, Brgy. Baldog.

Dinakip naman ang kapatid nito sa Brgy. Roxas Blvd. sa nasabi ring lugar.

Bukod sa pera ng biktima, nakumpiska rin sa suspek ang isang kotse (ABP 5549) na nakaparada malapit sa bahay ng bitkima.

Nasamsam din sa suspek ang iba't ibang baril, PNP identification (ID) card; Land Bank ATM card, bandolier, SWAT, itim na fatigue at iba pang uniporme.