Naka-iintrigang “blind-item” ang pinag-usapan ng talk show host na si Ogie Diaz at ng kaniyang co-hosts na sina Mama Loi at Tita Jegs.

Sa latest YouTube video na Ogie Diaz Showbiz Update nitong Biyernes, Hulyo 14, bukod sa mga usaping showbiz, huling napag-usapan ng mga nasabing hosts ay ang kanilang ”blind-item.”

Sinimulan ni Mama Loi ang kanilang chikahan sa pagsabing, isang actor-TV host at kasal na raw umano ang tinututukoy nila sa blind-item.

Ibinunyag pa ni Mama Loi na tila hindi pa nakuntento ang actor-TV host sa kaniyang asawa dahil ayon sa kanilang source, may ka-”FUBU” raw itong ibang babae.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang salitang “FUBU” naman ay pinaikling termino para sa salitang “Fuck Buddy.”

Chika pa ni Mama Loi, tila one call away lang daw ang other girl kapag “kinakati” ang naturang nasa blind-item.

Ang nakakaloka pa, mahal na rin daw ni other girl ang actor-TV host kahit alam niyang pamilyado na ito.

Sa kabila nito, tinanong ni Ogie kung tuwing kailan sila nagchu-chugi o nagtitikiman.

Sinagot naman iyon ni Tita Jegs na tuwing may trabaho raw ang asawa ni actor-TV host ay doon siya sumesegway na makipagkita kay other girl.

Dagdag pang chika ni Tita Jegs, madalas daw na napanonood sa telebisyon ang actor-TV host.

Sa kabilang banda, nagbigay-mensahe si Ogie, na sana raw ay tigilan na ng actor-TV host ang ganoong gawain at nakaaawa ang misis niya kung totoo man ang chika.

Sa huli, pasabog ang iniwang clue ni Ogie sa kanilang viewers na sinabing, lumilikha raw ng tunog kapag binibigkas ang letrang pangalan ng nasabing bida sa blind-item.