Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghigop ng tubig-bahay sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) nitong Huwebes.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Bitbit ng mga tauhan ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office ang apat na floating pump nang magtungo sila sa SLEX, malapit sa Bicutan exit upang sipsipin ang nasabing baha.

Ilang oras ding nakaranas ng matinding trapiko ang mga motorista dahil sa pagbaha na dulot ng naranasang matinding pag-ulan.

Nakaapekto rin ito sa mga kalapit na pangunahing lansangan sa Metro Manila.