Inaasahang lilikha ng 3,000 trabaho ang pagsisimula ng konstruksyon ng South Commuter Railway Project ng North-South Commuter Railway (NSCR) System.

Ito ang isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Huwebes matapos saksihan sa isang seremonya sMalacañang ang lagdaan ng kontrata sa pagitan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Isman Widodo ng PT ADHI Karya (Persero) Tbk para sa implementasyon ng proyekto.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng punong ehekutibo na ang proyekto ay pagsasakatuparan ng mas epektibong transportasyon para sa taumbayan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show the commitment to realizing the dream of a more efficient and inclusive public transportation system that every Filipino deserves,” anang Pangulo.

Kabilang sa pinirmahang kontrata ang 14.9 kilometrong railway viaduct structure na inaasahang mapakikinabangan ng 800,000 commuters kada araw sa susunod na anim na taon.

Layunin din ng proyekto na mabawasan ang siksikang lansangan sa Metro Manila at mapagaan na rin ang matinding problema sa trapiko.