No medals? No problem! Bring your own na lang!

Iyan ang ginawa ng Senior High School graduate na si Justine Abalos Marcelo matapos niyang ibahagi sa TikTok ang video ng kanilang commencement exercise sa paaralan.

Ang nakakaaliw sa kaniyang ginawa, siya na mismo ang nagdala ng kaniyang medals at isinabit ito sa kaniyang leeg habang nagkakatawanan naman ang batchmates.

Sa una, mukhang kalmado lamang ang lahat. Nang tinawag na siya, nakipagkamay sa school administrators, at magpunta na sa gitna ng entablado, dito na niya inilabas ang iba't ibang medals at isinabit sa kaniyang leeg.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

"Mas madami pa pag nag dala ka kaya mag dala nalng kayo pero watch nyo hanggang dulo," caption ng netizen sa kaniyang post.

Hindi lamang iyon, hiniram pa ang medals niya ng isang graduate din na sumunod sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Well okay din yun, appreciate your own effort and hardwork, kung walang medal, then give yourself a medal."

"Bring you own medal hahaha."

"For picture taking purposes only."

"Don't let them know you're next move bwahahahahahaha."

"Mindset, ba, mindset..."

"Nice one.... Congratulations to all the Graduates with or without honors still all parents and families are proud of them for their hardwork to finish studies."

Sa kabilang banda, may ilang tila "seryoso" naman sa kanilang mga saloobin.

"For entertainment it's ok to do but graduation rites should reflect their academic accomplishments & reflect their journey."

"Hmmm, buti pinayagan siya, kasi it's a very formal event..."

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 15.8M views ang nabanggit na TikTok video.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!