Opisyal nang ipinakilala ang mga bagong magpapasiklaban at magtatarayang “queens” na kalahok sa “Drag Race Philippines Season 2.”

Sa Facebook post ng Drag Race Philippines nitong Martes, Hulyo 11, mapanonood ang “summer na summer” nitong paandar para sa kanilang tila trailer video ng nasabing kompetisyon.

Kapansin-pansing may sari-sariling exposure ang queens na kaniya-kaniyang patalbugan agad sa kanilang looks at outfit.

Ang host namang si Paolo Ballesteros ang bumungad sa naturang trailer video na may opening spiel na, “Mabuhheeeyyy, bitches! Get ready to sizzle because Drag Race Philippines Season 2 is back and is hotter than ever!!” anang Paolo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

12 queens ang maglalaban-laban para sa titulong “Drag Race Philippines Season 2” na sila Arizona Brandy, Astrid Mercury, Bernie, Captivating Katkat, DeeDee Marié Holliday, Hana Beshie, Matilduh, M1ss Jade So, Nicole Pardaux, ØV CÜNT, Tiny Deluxe, at Veruschka Levels.

Simula nang mapanonood ang Drag Race Philippines Season 2 sa HBO go sa Agosto 2, 2023.