Ikinuwento ng actress-TV host na si Anne Curtis sa kaniyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda, na nag-away sila ng “sisteret” niyang si Vice Ganda dahil lang sa isang watermelon shake.

Sa panayam ni Anne, napag-usapan ang tungkol sa samahan ng pamilya, binanggit ni Tito Boy si Vice dahil close umano ito kay Anne, at dito niya tinanong kung nagkapikunan na ba sila.

“May pagkakataon ba na nagkakapikunan kayo? May panahon ba na that you guys feel you’re going beyond boundaries of friendship sa inyong mga biruan?” ani Tito Boy.

Sumagot naman agad si Anne na nagkaaway na sila ni Vice.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Opo, nangyari na po. Nangyari na po sa amin ni Vice. Pero nakakatawa kasi ‘yong dahilan, dahil lang sa isang watermelon shake,” aniya.

“So parang, iyong relationship namin, alam mo iyong away ng pangkapatid dahil natapon iyong watermelon shake? Tapos doon na ‘yon nagstart,” dagdag pa niya.

Pinagbintangan daw kasi ni Vice ang aktres na tinapon nito ang watermelon shake.

Nag-sorry naman si Anne at nagkaayos din sila after 1 or 2 days.

“Sabi ko, okay sorry. Tapos ‘yon na, lumaki nang lumaki tapos ayon nagkabati rin after 1 or 2 days” anang Anne.

Sa huli, klinaro naman ni Anne na wala pa silang malalang away.

“But anything beyond that, wala pa kaming away na ganon. ‘Yong mga petty, ganon lang. That’s the first and last disagreement,” huling sey ni Anne tungkol sa naging away nila ni Vice.

Napanonood sina Anne at Vice sa noontime show na “It’s Showtime” simula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at GMA Network's GTV.