Umabot pa sa 80 pamilyang nanatili sa kanilang lugar sa Camalig, Albay sa kabila ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ang puwersahang inilikas ng pamahalaan kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes.

Paliwanag ng DSWD, umabot sa nasabing bilang ng pamilya mula sa Barangay Anoling na sakop ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng Mayon Volcano ang sapilitang inilikas ng pulisya at ng mga opisyal ng Camalig dahil sa nakaambang pagsabog ng bulkan.

Nitong Martes, Hulyo 11, sinuyod nina Camalig Mayor Carlos Baldo at Malilipot Mayor Cenon Volante ang kani-kanilang nasasakupan upang matiyak na wala nang natitirang residente sa nasasaklawan ng PDZ.

Kabilang sa nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng DSWD Field Office V at Provincial Social Welfare and Development (PSWD).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nauna nang kinumpirma ni DSWD Disaster Response and Management Group (DRMG) Bicol Regional Director Norman Laurio, na maraming evacuee ang bumabalik sa kanilang lugar upang bantayan ang mga alagang hayop.