Hindi matatawaran ang ipinakitang husay at dedikasiyon mapa-akademiko at sa larangan ng sports ng student-athlete na si Isabel Beatriz P. De Leon o mas kilalang “Bea De Leon.”

Sa Instagram post ni Bea nitong Linggo, Hulyo 9, pormal niya nang inanunsiyo na natapos niya na ang kaniyang master’s degree sa “Sustainability Management” sa Ateneo De Manila University ngayong 2023.

“Made it here somehow! Thank you to everyone who helped me along the way!! 🎓🎓🎓,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Samantala, kung babalikan, mayroon nang unang degree sa kursong “Management Economics” sa Ateneo De Manila University taong 2018 si Bea kasabay ng kaniyang karera bilang sikat na “UAAP” player sa larangan ng women’s volleyball.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpaabot naman ng pagbati ang netizens na nagbigay-komento:

“Congrats ate bei bei!!!!”

“CONGRATSALOOOOO!”

“Woohoo congrats beatriz!!!!!!”

“Woooowwwww this makes me emotional!”

“Congratulations ate beyy!!”

“Congratssssss Capt!!!!”

Sa kabila nito, si Bea ang tumatayo ngayong kapitana ng koponang Choco Mucho “Flying Titans” sa kasalukuyang liga ng “Premier Volleyball League 2023”.