Buong tiwalang ibinida ng aktres, TV host, at social media personality na si Alex Gonzaga-Morada ang kaniyang "no edit, no photoshop" na larawan habang na sa Amsterdam, Netherlands.

Nag-posing si Alex sa isang tila hagdan habang sa background niya ay makikita ang isang body of water, at may ilang namamangka. Makikita rin ang iba't ibang gusali.

"This barbie has no edit and photoshop. Natural lahat 'yan 😂 #MangarapKa," ani Alex sa kaniyang Instagram post. 

Napansin naman ng mga netizen na kitang-kita ang kurbada ng kaniyang katawan, gayundin ang dibdib.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"App reveal," sey ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, "Wowo may dibdib ka na!"

"Nalusaw ang rib cage," hirit naman ng isa.

Biro ng isa, "Hahahaha parang si Kim Kardashian bagay naman kung ganyan."

Kasalukuyang nasa Europe trip ang mag-asawang Alex at Mikee Morada.