BACOLOD CITY - Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na namahagi na sila ng financial assistance sa 1,098 magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental kamakailan.

Sa pahayag ng DA, ang cash card na ibinigay sa mga magsasaka ay naglalaman ng P5,000 bilang ayuda dahil na rin sa tumataas na presyo ng pataba.

Ang mga benepisyaryo ay sumasaklaw sa 80 porsyento ng kabuuang magsasaka sa Sagay City.

Sinabi ng DA, ang financial assistance ay mula pa sa pondo ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) noong 2021 na inilabas lamang ngayong taon dahil na rin sa pandemya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Umaasa rin ang DA na mas marami pang magsasaka ang magiging kuwalipikado sa susunod na bugso ng implementasyon ng programa