Dinumog ng sandamakmak na funny reacts ang tinaguriang “Pambansang Lalaking Marites” na si Christian Albert Gaza matapos niyang ibahagi na na-scam siya ng kaniyang isang tropa.

Sa Facebook post ni Christian nitong Sabado, Hulyo 8, mababasa na nag-message sa kaniya ang isa sa mga solid niyang tropa na mag-invest daw sa kaniya ng ₱50k.

“Yung isa kong solid tropa nag-chat kagabi. Invest daw ako sa new business niya, ₱50k. Close na close kami kaya pumayag ako.” aniya.

Kinalaunan ay umamin ang kaniyang tropa sa kaniya na hindi talaga para sa investment ang ₱50k, bagkus ay ipinambili niya ito umano ng ticket sa concert ni Taylor Swift.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Umamin ngayon. Hindi daw kaya ng konsensya niya. Pinambili daw niya ng ticket sa concert ni Taylor Swift.” dagdag niya.

Photo courtesy: Xian Gaza/FB

Tila hindi naman makapaniwala si Christian na ang tulad niya noong “scammer” ay siya ngayong biktima ng isang scam.

“Naiscam yung scammer,” huling nabanggit ni Christian.

Sa kabilang banda, habang sinusulat ang balitang ito, umabot na ng halos 100K reacts at 1.1K shares ang naturang Facebook post.