Pinutakti ng bashers si actress-TV host-influencer Alex Gonzaga matapos siyang mag-post umano sa bagong social media platform na "Threads," na pantapat sa patok na "Twitter" ni Elon Musk, at gawa naman ng Meta.

“Anyway. May this app be FUN and please no more toxic vibez,” sey raw ni Alex sa Threads.

Makikitang may blue check ang account at nakalagay na "Cathy Gonzaga" kaya masasabing verified ito.

Tila napa-haha naman ang ilang Threads user at may mga nagsabing huwag na siyang tumambay roon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May nag-upload pa ng lumang litrato ni Alex na nagpapakita ng pamamahid niya ng cake sa isang waiter, na naging talk of the town ng madlang netizens.

May mga nagpepetisyon pang i-block daw si Alex sa Threads.

https://twitter.com/Michael09037774/status/1677337579090485248?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1677337579090485248%7Ctwgr%5E50391a323af99867a2a5ad25fb4663b148f14e50%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Ftnt.abante.com.ph%2F2023%2F07%2F08%2Fsigaw-ng-mga-basher-alex-gonzaga-palayasin-sa-threads%2Ftnt-radar%2F

Tila kahit saang social media platforms magpunta si Alex ay tiyak na may mambabarda sa kaniya.

Kahit sa alt accounts sa Twitter ay napag-usapan ang isyung ito.

https://twitter.com/AltKapuso/status/1677214239847747588

Wala namang tugon, reaksiyon, pahayag o post si Alex hinggil dito.