Kinabahan ang netizens sa panibagong challenge na namang pinauso ni Doug Kramer na ibinida ang angkin niyang lakas para mabuhat ang kaniyang buong pamilya nang sabay-sabay.

Sa Instagram post ni Doug kahapon ng Martes, Hulyo 4, mapanonood ang video na tila nagmala-”Incredible Hulk” siya dahil sa isa-isa niyang pagbuhat simula sa asawa niyang si Cheska Kramer hanggang sa bunsong anak niyang si Gavin.

Habang sakay-sakay si Cheska, nasa magkabilang gilid naman ang dalawang babaeng anak niyang sina Kendra at Scarlett na suportado ng kaniyang mga braso.

Huling inangat ang bunso nila na siyang pinuwesto na sa harap ni Doug at makikitang halos masakal na siya ng ate niyang si Scarlett dahil sa pagkakabigkis ng braso niya sa leeg ni Gavin.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“#CarryYourWholeFamilyChallenge in Amsterdam! The process was bloody. 😂 I'm sorry if I tightened certain areas Gavin. 😂😂,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Kinabahan naman ang ilang netizens sa nasabing challenge na nagbigay-komento:

“Grabe the risk of falling in the water!!!”

“I was afraid you guys would fall off the dock.”

“Parang ako yung natatakot dahil baka mahulog sa tubig.”

“Wow amazing. pero ako yung kinabahan baka biglang mahulo.”

“Grabe ako ung natatakot.”

Wala namang nangyaring masama sa Team Kramer at makikita pang nakapaglakad pa ng ilang hakbang si Doug buhat-buhat ang buo niyang pamilya.