Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magkakaroon ng mas matatag at abot-kayang power supply sa tulong na rin ng palalawaking Malampaya gas field.
Nitong Martes, nakipagpulong si Marcos sa operator ng Service Contract No. 38 na Prime Energy Resources Development B.V. kung saan tinalakay ang planong paghahanap ng indigenous gas prospects.
Binanggit din sa pagpupulong ang pagpapataas ng suplay ng indigenous gas production, gamit ang pinaghalong imported liquefied natural gas (LNG) at pagpapaigting ng kompetisyon sa gas market ng bansa.
Dahil na rin sa pagpirma ni Marcos sa Renewal Agreement ng Service Contract No. 38 nitong Mayo 15 kung saan pinalawig hanggang Pebrero 2039, sisimulan na ang drilling activities ng dalawang deep well ng Prime Energy sa Camago at Malampaya East field sa huling bahagi ng 2024.
Layunin ng nasabing hakbang na magtuloy-tuloy ang operasyon Malampaya gas field upang mabawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa oil imports sa mga darating na taon.
“It seems that this gas aggregator idea is the key. Again, we have work to do,” pagdidiin ng Pangulo.