Hindi na lang basta mag-ina sina Jodi Sta. Maria at Panfilo "Thirdy" Lacson III, kundi magkaklase na rin sila sa isang culinary school ngayon.

Sa Instagram post ni Jodi ngayong Miyerkules, Hulyo 5, makikita sa mga larawan ang mag-ina kasama pa ang ibang kaklase nila sa nasabing culinary school.

Ayon pa kay Jodi, pinag-uusapan lamang nila iyon ng kaniyang anak noon at ngayo’y natupad na.

Dati pinag-uusapan lang natin na sana maging magka-klase tayo and today that happened,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“So happy to be your classmate anak. Always here to support you every step of the way!” dagdag pa niya.

Samu't-sari naman ang sey ng netizens na nagbigay-komento:

“Yung sabay kayong nag-aaral at natututo ng anak mo! Winner!”

“Waahhh can’t wait to try your foods with Thirdy.”

“Nakaka happy!!!”

“Sarap ng foods!!!”

“Proud ako sa inyong dalawa! I love you both JoRdy!”

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Jodi sa chef na humahawak at nagsu-supervise ng kanilang klase.

At sa huli, tila may hirit pa si Jodi na, “Sa Asian Pro naman tayo next?”