Muling nagkita ang noo’y gumanap na magkapatid na sina Joshua Cadeliña bilang “Bong” at Julia Barretto bilang “Anna” sa ABS-CBN fantaserye na “Kokey” na umere sa Primetime Bida simula 2007 hanggang 2010.

Sa Instagram post ni Joshua, makikita ang larawan nila noon ni Julia kasama pa ang fictional na karakter na si Kokey at silang dalawa na lang ngayon.

Mula sa cute at bibo nilang pagmumukha noon, makikitang malaki na talaga ang pinagbago nila ngayon sa nasabing larawan.

Reunited with my sister from Kokey TV series, Anna! @juliabarretto ❤️,” mababasang caption sa Instagram post.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nagbigay-komento naman ang ilan sa netizens na natatandaan pa ang fantaserye:

“Laman ng childhood ko to. Dati, may pambato pa akong tex na picture niyo haha.”

“Nasaan po si Kokey?”

“One of may fav singer nung childhood ako .”

“Cute!”

Base at hango naman ang fantaseryeng ito sa pelikulang “Kokey," ang titulo rin na pinagbidahan naman ni Carlo Aquino noong 1997.