Hinangaan ng netizens ang 3 taong gulang na anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo Alipayo dahil sa angking husay niya sa surfing.

Sa Instagram post ni Andi kahapon ng Lunes, Hulyo 3, makikita ang anak niyang si Lilo na kaya nang tumayo sa surfing board at tila beterana pa kung pagmamasdan sa kaniyang pwestuhan.

Pinasalamatan naman ni Andi ang surf coach nila na walang iba kundi ang kaniyang partner na si Philmar sa laging paglaan ng oras para turuan silang mag-iina na mag-surf.

Lilo surfing C9 at 3y.o., and going left!😅🫶🏼🤙🏽 let's go, Lilo! Salamat to our surf coach papa @chepoxz, for always making time to teach us too!” aniya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagbigay-komento naman ang netizens kay Lilo sa kanilang pagkabilib:

“She's gonna be a champion surfer in no time.”

“Grabe ang batang ito! napaka talented...ano pa ba ang di nya kayang gawin. Go Lilo goooooo!!”

“Future Champ!!!!”

“Aww what a water baby talaga!! Good job Lilo!!!”

“Wow Lilo!!! Can you teach tita pauls??”

“Pro Surfer in the making.”

Matatandaan namang tuluyan nang piniling manirahan ng simple at payapa ni Andi sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang pamilya at partner niyang si Philmar na nakatira na talaga sa nasabing isla.