All-smile at masaya ang singer na si "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano matapos niyang makasamang muli ang ilan sa mga nakatrabaho niyang GMA artists sa nangyaring makasaysayang pagsasanib-puwersa ng Kapamilya at Kapuso network kahapon ng Sabado, Hulyo 1, 2023.

Sa Instagram post ni Gary, makikita ang mga video at larawan kung saan pinuntahan pa siya sa dressing room ng magkapatid na sina Rayver Cruz at Rodjun Cruz na masaya pang nakipagkulitan.

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Gary na nakasama niya ang kapuwa niya singers na sina Mark Bautista at Christian Baustista.

Ayon pa kay Gary, hindi niya inakalang darating ang araw na mangyayari ang pagsasanib-puwersang iyon ng Kapamilya at Kapuso Channel.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Am still in a state of awe!!!! I never never thought I’d see the day when something like this would happen. Kapamilya and Kapuso…Kapuso and Kapamilya. NO ONE SAW THIS COMING but here it is!!! @itsshowtimena put on a fantastic opening to celebrate their new home.” aniya.

Dinadalangin pa ni Gary na sana magkaroon pa ng maraming kolaborasiyon sa mga susunod pang panahon.

“Grabe!!! It was a first in Philippine entertainment history. Praying for even more collaborations in the near future!!!! ❤️💚💙 Congratulations @abscbn @gmanetwork @itsshowtimena @gtvphilippines 🙏🏼.” dagdag pa niya.