Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na patuloy pa rin ang kanyang pagsusumikap hangga'y may nagugutom na Pinoy sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Pangulo nang dumalo sa 56th founding anniversary celebration ng Davao del Sur nitong Sabado, Hulyo 1.

Aniya, sinusuklian lamang nito ang pagsuporta sa kanya ng mga Pinoy sa nakaraang halalan noong 2022.

“Muli, uulitin ko ang aking pagpasalamat sa inyong suporta at tulong at pag-alala sa nakaraan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Huwag sana po kayong magsawa at kami naman ang aming isusukli sa inyong pagmamahal ay ang aming pawis na hindi mauubos hangga’t masasabi natin tapos na ang trabaho, hangga’t masasabi natin wala ng gutom na Pilipino,” aniya.

Binanggit din ng punong ehekutibo ang "food stamp" ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) -- isa sa programa ng pamahalaan upang matugunan ang problema sa gutom at kahirapan sa bansa.

Argyll Cyrus Geducos