“Hindi na kinakaya ng sikmura ko, ang sakit sakit sa puso #JusticeForAwra 😭💔”

Ito ang saad ni Zeinab Harake matapos ang pagkakaaresto kay Awra Briguela nitong Huwebes, Hunyo 29, nang masangkot ang komedyante sa isang kaguluhan sa isang bar sa Makati City.

“Laban nakcha pinaka the best ka sa lahat walang makakabago ng tingin namin sayo lalong lalo na ako madami kaming andito para sayo,” ani Zainab sa kaniyang Twitter post nitong Huwebes ng gabi.

Courtesy: Zeinab Harake/Twitter screengrab

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sa isang hiwalay na tweet, pinuri rin ni Zeinab kung gaano umano mapagmahal si Awra sa kaniyang mga kaibigan.

“Having awra sa buhay ng mga kaibigan nya is a win grabe tong batang to sa sobrang pag mamahal nya magagawa nya yung mga bagay na hindi mo aasahan maparamdam lang nya sayong anjan sya sa hirap o ginhawa,” tweet ni Zeinab.

Sinabi ito ni Zeinab matapos igiit ng mga kaibigan ni Awra na nakasama sa bar na nasangkot lamang umani ang komedyante sa nasabing gulo dahil ipinagtanggol lamang daw niya ang mga kaibigan mula sa pangha-harass umano ng isang lalaki.

“kaya andito den kaming mga totoong ipag lalaban ka walang iwanan sa ere ayun ang tunay na kaibigan!!” saad pa ni Zeinab.

Courtesy: Zeinab Harake/Twitter screengrab