Mahigit sa 257,000 registered voters ang binura ng Commission on Elections (Comelec) ilang buwan bago idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre.

Nilinaw ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco, resulta lamang ito ng isinagawang special election registration board hearing nitong Hunyo 19.

Kabilang sa mga binura sa national List of Registered Voters ang 167,223 na pagkakakilanlan ng dalawa o higit pang fingerprints ng botante na nasa Automated Fingerprint Identification System, 84,335 botante na nakalipat na sa ibang lungsod o munisipyo, 83 na botanteng nabigong bumoto ng dalawang beses sa magkakasunod na regular elections, 2,620 na botanteng nakumpirma ng local civil registrar na patay na at 3,544 na botanteng natuklasang mayroong double at multiple records sa city at municipal level.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tiniyak pa ng Comelec na magsasagawa muli sila ng paglilinis ng listahan ng mga botante sa Hulyo 27.