Inamin ni Buboy Villar na tama ang "bintang" sa kaniya ng isang netizen sa isang viral Facebook post na kakilala niya ang isa sa mga naging studio contestant sa isang segment ng "Eat Bulaga!" na talaga namang pumutakti ng bashing sa komedyante-TV host.

Subalit paglilinaw ni Buboy, hindi niya alam na magpupunta sa studio ang nabanggit na kakilala, na ayon sa Facebook post ng netizen, ay nagtatrabaho sa kaniya.

Namukhaan ng isang televiewer-netizen ang nabanggit na studio contestant ng "Ikaw ang Pinaka" noong June 7 episode kung saan nagsisimula pa lamang umarangkada ang bagong Eat Bulaga hosts.

Anang netizen, nakita na niya ang lalaking ito sa isa sa vlogs ni Buboy. Nagtatrabaho umano ito bilang "boy" sa paresan ni Buboy.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa panayam ng GMA News kay Buboy, nilinaw ni Buboy na bagama't kakilala niya nga ang studio contestant, wala naman sa "script" nila na ito ang tatawagin sa harapan.

Ang nabanggit na kakilala ay matagal na raw "fan" ni Buboy.

“Naawa rin po ako sa part ng contestant kasi fan ko po 'yon, fan ko po 'yon na sobrang sumuporta sa akin dahil sa kabila ng mga taong nagsasabi ng masasakit na salita sa akin although okay lang naman po sa akin 'yon, tumatanggap naman po ako kasi opinyon 'yon, eh sumuporta itong kaibigan ko na 'yon at sobrang saya ko dahil nandoon siya, nakita ko siya, at napili siya ng mga co-hosts ko rin so the show must go on, pinaglaro siya. Lahat naman po puwedeng manalo eh, sabi nga po namin sharing is caring and caring is winning," sey ni Buboy.

“Hindi ko alam na manonood siya ng Eat Bulaga. Hindi ko talaga expected kasi ang una kong gustong nandoon sa stage ay 'yong nanay ko, siya 'yong ininvite ko, gusto ko saksi 'yong nanay ko doon kasi unang-una po sa lahat, Eat Bulaga po ito part po ito ng history, tapos tutuntong po kami sa stage ng Eat Bulaga,” aniya.

Pagtatanggol naman ng co-host ni Buboy na si Paolo Contis, kung may "mistake" man dito si Buboy, iyon ay ang hindi niya pagsabing kakilala niya ang nabanggit na studio contestant.

Ang co-host nilang si Mavy Legaspi ang pumili rito at hindi naman alam nito na kakilala pala ni Buboy ang naturang studio contestant.

MAKI-BALITA: ‘Eat’s a prank?’ Contestant sa Eat Bulaga, tauhan daw ni Buboy Villar