“Sobrang genuine lang lahat.”

Itinanggi ng basketball player na si Ricci Rivero ang mga akusasyon umanong ginamit lamang niya si Andrea Brillantes para sumikat.

Sa programang Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 nitong Lunes, Hunyo 26, tinanong ni Boy Abunda ang naturang isyu umano na tila “trophy girlfriend” ni Ricci si Andrea pa sumikat ito.

“Yung mga usap-usapan, ginamit mo si Andrea Brillantes. Trophy girlfriend para ikaw daw ay sumikat. Anong nais mong sabihin?” tanong ni Tito Boy.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kung ginamit ko po siya, kasi marami naman pong offers yung ABS-CBN na sit-down interviews with her, shows with her. And simula po noong naging kami, never akong nag-yes,” saad ni Ricci.

"Ayoko rin naman po na parang i-connect yung trabaho sa personal relationship ko. 

“Sa akin, sobrang genuine lang lahat eh. Wala sa isip ko yung mga ganyang bagay kasi parang minsan na lang akong mag-girlfriend eh, bakit sa ganyang paraan ko pa naman gagawin, ‘di ba?” dagdag niya.

Binasag na rin ni Ricci sa naturang programa ang kaniyang katahimikan hinggil sa dahilan umano ng hiwalayan nila ni Andrea.

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes

Binabulaanan din ng basketbolista ang usap-usapan umano na mayroon siyang gay boyfriend.

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, pinabulaanan usap-usapang mayroon siyang ‘gay boyfriend’