Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Antique nitong Martes ng madaling araw, Hunyo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:32 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 30 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Anini-y, Antique, na may lalim na 13 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Intensity II - Anini-y, ANTIQUE

Intensity I - Jordan, GUIMARAS; Culasi, ANTIQUE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.