Naghain ng counter affidavit ang American actor na si Lee O'Brian laban sa deportation case na inihain naman laban sa kaniya ng ex-partner na si Pokwang.

Sa panayam ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, sinabi ni Lee na bagama't sinampahan siya ng deportation case ni Pokwang, mananatili pa rin daw ang respeto niya sa ina ng anak nilang si Malia.

Ipinakita niya ang dokumento sa harapan ng camera at tinawag pa sa tunay na pangalan si Pokwang.

"There we go. Just filed a counter affidavit to the complaint filed by Marietta Subong (Pokwang). You know what I'd like to say is first of all, above everything, I always have respect for the mother of my child."

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

"Second of all, because this is kind of a quasi-judicial issue for the Bureau of Immigration, I can't comment on details..." aniya pa.

Bago pa raw sumiklab ang lahat, nais lamang daw ng aktor na unahin ang kapakanan ni Malia.

Panawagan ng American actor sa Bureau of Immigration (BI), nawa'y maging patas umano ang desisyon nila laban sa kaso, dahil isang sikat na personalidad umano si Pokwang.

“Given the fact that the complainant is very well-known, widely known throughout this county and very, very influential I am basically asking and pleading with the Philippine government and the Bureau of Immigration to look at my case, my deportation case fairly and with justice, according to the merits of the case and whatever I filed here I would plead with them to look at it justly,” ani O'Brian.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pasaring si Pokwang tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Kaya bet ipa-deport!’ Pokwang ‘mentally abused’ na kay Lee O’Brian