Nasa ₱1.5 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region II Cagayan Provincial Office at pulisya sa anti-drug operation sa Iguig, Cagayan nitong Lunes.

Naaresto rin ang suspek na si Romel Parallag Turingan, 29, taga-nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng PDEA, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Sampaguita St., Barangay Ajat nitong Hunyo 26.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 600 gramo ng marijuana na tinatayang aabot sa ₱1.5 milyon, drug paraphernalias at marked money.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek na nasa kustodiya na ng PDEA.