Bumulusok pa sa 8.2 porsyento ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate ng bansa hanggang nitong Hunyo 24.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, ito ay pagbaba sa 8.6 porsyento nitong Hunyo 23 mula sa 8.9 porsyento nitong Hunyo 22.

Ang positivity rate ay porsyento ng mga taong nagpositibo sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kaugnay nito, nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 464 bagong kaso ng sakit nitong Hunyo 24.

Dahil dito, umabot na sa 4,162,231 ang total cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 8,353 na lamang ang active cases o ang nagpapagaling pa dahil sa sakit.

Mayroon rin silang naitalang 691 bagong recoveries kaya ang kabuuan nito sa bansa ay umabot na sa 4,087,396.

Nasa 66,482 ang nasawi sa sakit, ayon pa sa DOH.