Dumating na sa Albay ang 1,500 timba ng food items na donasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga inilikas na residente sa paligid ng nag-aalburotong Bulkang Mayon.
Sa Facebook post ng Albay Provincial Information Office, ang nasabing relief goods ay dumating sa lugar sakay ng mga military truck nitong Sabado ng umaga.
Laman ng bawat timba ang limang kilo ng bigas, mga de-latang pagkain kabilang na ang tatlong lata ng corned beef, at anim na noodles.
"Maraming salamat din kay Lt. Colonel Joy Villanueva PA, Lt. Colonel Randy Leonor PA and Task Force Sagip (TFS) head General Jimmy Abawag in transporting this donation from Manila using army trucks. I received the donation this morning," pahayag naman ni Albay Governor Edcel Lagman.
Eleksyon
'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD
Matatandaang inilikas ang mga residente mula sa palibot ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito at nakaambang pagsabog.