Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Huwebes na magpapatupad sila ng pansamantalang road closures o pagsasara ng ilang kalsada sa Sabado, Hunyo 24.

Bunsod na rin ito nang isasagawang Civic Military Parade, kaugnay sa pagdiriwang ng “Araw ng Maynila.”

Sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), nabatid na sisimulan ang pansamantalang pagsasara ng mga kalsada mula alas-6:00 ng umaga sa Sabado.

Kabilang dito ang kahabaan ng Moriones St., mula sa Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora St.; kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang sa Concha St.; at kahabaan ng Sta. Maria St. mula Morga St. hanggang Concha St..

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga otoridad ang mga motorista na maghanap o dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko.