Matapos ang nakabubulaga at hindi inaasahang mga balita tungkol sa rigodon ng noontime shows, heto't dumagdag pa sa hindi inasahang "plot twist" sa mga nangyayari sa showbiz ang nakatakdang paggawa ng pelikula nina Kapuso Primetime King at Primetime Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Star Cinema, na opisyal nang inanunsyo kahapon ng Miyerkules, Hunyo 21, 2023.

Ang Star Cinema ay movie outfit ng ABS-CBN, ang dating mahigpit na karibal ng GMA Network, subalit sa pagdaan ng mga panahon ay unti-unti nang nagkakaroon ng kolaborasyon. Ang latest nga ay pag-produce ng seryeng "Unbreak My Heart," at ang pagpapanood ng longest-running noontime show na "It's Showtime" ng ABS-CBN sa GTV channel ng Kapuso Network.

May pamagat na "Rewind" ang nabanggit na pelikula na isang family drama subalit may halong magical realism. Isinulat ang script nina Enrico Santos at Joel Mercado, at ang magiging direktor ay si Mae Cruz-Alviar. Si Direk Mae ang nagdirehe ng ilan sa mga tumatak na "KathNiel" movies kagaya ng "Crazy Beautiful You," "Can't Help Falling In Love," at iba pang pelikula ng iba pang Kapamilya stars.

https://twitter.com/StarCinema/status/1671448531562004486

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kuwento ni Marian, nang mabasa niya ang script ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito, dahil nagbabasa pa lang siya, napaiyak na siya. Akala pa nga raw ng mommy niya, may iniinda siyang problema nang masipatan siyang humihikbi-hikbi matapos magpatulog ng anak at gumora na sa pagbabasa ng script.

G na g na nga si Mrs. Dantes dahil kahit may taping din siya ng pagbabalik-teleserye sa GMA at hands on mom at wifey kay Dingdong, isisingit daw niya sa schedule niya ang shooting ng nabanggit na pelikula.

Isa pang bagay na nagtulak pa sa kaniya upang gawin ang pelikula, matapos daw ang 10 taon, ito na raw ang inaabangang comeback ng DongYan, kaya nararapat lamang na isang bigating proyekto ang gagawin nila.

Sinasabing ang nabanggit na pelikula ay entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa darating na Pasko. Kasama rin sa produksyon ang APT Entertainment at Agosto Dos Media, ang itinatag na indie film outfit ni Dong.

Nakatrabaho na ni Direk Mae si Dingdong sa pelikulang "She's The One" noong 2013 kasama sina Enrique Gil at Bea Alonzo. Bukod dito, nakabilang din ang aktor-TV host sa iba pang Star Cinema movies gaya ng "One More Try" at "Seven Sundays."

Si Marian naman ay nagkaroon na rin ng pelikula sa Star Cinema gaya ng "Kung Fu Divas" kasama si Ai Ai Delas Alas noong 2013, at kabilang din sa "Ekstra" ni Star For All Seasons Vilma Santos sa kaparehong taon.

Sa kaniyang Instagram post ay nagpahayag ng excitement si Marian para sa proyektong ito.

"I am beyond blessed to be able to share the screen with my loving husband in God’s perfect time. We can’t wait to bring this project to life and make unforgettable memories together! #BlessedBeyondMeasure #Rewind #NewMovieAlertDongYan," aniya.

Ganoon din naman ang kaniyang esposo na si Dingdong.

"An exciting project is in the making, and this time, I have the pleasure of working alongside my amazing wife!"

"After more than a decade, the wait is finally over as we announce our upcoming film 'REWIND,' directed by Mae Cruz-Alviar."

"This masterpiece, created by Enrico Santos and Joel Mercado, holds a special place in our hearts, and we can't wait to share it with all of you. Thanks to the incredible partners from @starcinema and @aptentertainment.ph, this long-awaited collaboration is becoming a reality!"

"Stay tuned for an unforgettable cinematic experience coming soon to theaters!" aniya sa kaniyang latest Instagram post.