Taos-pusong nagpapasalamat si Miss Universe Philippines 2023 at proud LGBTQIA+ ally na si ‘Michelle Dee’ sa Miss Universe organization dahil sa pagiging guest niya sa “Pride Month” special episode ng Miss Universe na mapanonood sa Youtube LIVE!

“The Universe is United in celebrating Pride Month!” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa niya, isang karangalan ang irepresenta ang kaniyang bansa at ang LGBTQIA+ community sa episode na iyon.

Makasasama niya rin sa episode si Miss Universe Bhutan 2022 Tashi Choden Chombal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming netizens naman ang nagbigay-komento at mga naka-abang na panoorin ang nasabing episode.

“Will be watching, Queen”

“Yassss, waiting Queen”

“Love you so much, Michelle!”

Gamitin ang mga hashtag na, #mmd #mmduniverse #michelledee #muph2023 bilang pagpapakita ng suporta kay Dee.

Arci Brezuela Rutagenes